paano gumawa ng blog

Paano Magblog at Kumita ng Pera? Guide Para Sa Beginners (2021)

Instant Grammar Checker - Correct all grammar errors and enhance your writing.

Kung kilala mo ako, alam mo na pangatlong blog ko na ito. Una kong blog, more on personal stuff. Pangalawa, tungkol sa books. At itong pangatlo, about sa pagbblog at affiliate marketing.

Napansin ko na madami ang nagsstruggle sa pag-manage ng blog nila. At madaming nagtatanong sa akin kung paano ba magsimulang magblog. Kaya ginawa ko itong step-by-step guide para sa beginners.

Goal ko na tulungan ang beginners para maintindihan lahat—pagpili ng niche, paano i-set up, paano magsulat ng post, at paano kumita. Simulan na natin!

I-click para basahin ang English version

Step 1: Alamin mo ang “end goal”.

Isa sa paborito kong libro ay Seven Habits of Highly Effective People ni Sean Covey. Isa sa nabanggit niyang habit ay “Begin With the End in Mind”. Ibig sabihin, bago ka magsimula ng isang bagay, dapat alam mo kung saan ka papunta. Hindi ka mawawala kasi may direction ka. At kung may dumating man na pagsubok, hindi ka agad susuko kasi may pinanghahawakan kang goal.

Importante na alam mo yung “end goal” mo simula pa lang. Syempre, hindi sapat na “kumita ng pera” lang ang goal. Kasi kung ‘yun yung dahilan kung bakit ka nagblog, talo ka na agad. Hindi magtatagal ‘yung blog mo at madidisappoint ka lang.

Kung hindi mo pa naisip ang “end goal”, nilista ko ‘yung mga possible na dahilan:

  1. Gusto mong mag-inspire ng tao at palawakin yung influence mo
  2. Gusto mong gumaling sa pagsulat
  3. Gagawin mo itong ‘creative outlet’
  4. Gusto mong magdevelop ng marketable skills. So blogging, napakadaming skill na pwedeng matutunan kahit wala kang idea sa pagcode. Halimbawa: WordPress Design, SEO, Content Management, atbp.
  5. Magkaroon ng passive income. Lahat ng nagsisimula sa pagblog, ito ‘yung interest nila. Possible naman. Ang daming gumagawa nito pero hindi madali. Kailangan mong magcommit at maging consistent.

Step 2: Pumili ng Niche at Pangalan ng Blog

Ang ibig-sabihin ng niche, lugar kung saan ka pwede magthrive. Halimbawa, kung pet owner ka at gusto mo gumawa ng blog about pets. Ang problema, sobrang lawak ng mundo ng pets. Kailangan maging specific ka. Pwede mong maging niche ay pet accessories and clothing o kaya organic pet food and treats o kaya pet trackers.

Kung mahilig ka magbasa, pwede mong niche at self-help, o kaya fiction books. Dun ka lang magfofocus.

Yung niche mo, dapat topic na passionate ka, nagssolve ng problem, wala masyadong competition.

Mga dapat tandaan kapag pipili ng pangalan ng blog:

  1. Mas okay kung maikli lang
  2. Maging creative. Pwede ka gumamit ng Google para sa inspirations.
  3. Pumili ka ng pangalan na willing ka dalhin sa mga susunod na taon. (Branding)
  4. ‘Wag gumamit ng hyphen (-), mahirap tandaan at mahirap i-type
  5. Pwede ka gumamit ng tools tulad nito: Namecheap Name Generator

Ano pa ang dapat i-consider:

Sino ang magbabasa ng blog mo? Pwede ka gumawa ng “customer avatar” (ibang tawag dito buyer persona, marketing persona, o customer profile), sila ang representation ng ideal customers mo.

Lagi mong tanungin pag magsusulat ng blog, “Magugustuhan ba ito ng audience ko?”

Step 3: Pumili ng Blogging Platform

Posibleng magstart ng blog ng libre. Ang daming blogging platform na pwede mong gamitin tulad ng wix.com, squarespace.com at ang pinakasikat, wordpress.com

Nung nagsimula ako magblog nung 2015, gumawa ako ng account sa WordPress.com. Para sakin, rookie mistake siya kasi limited lang ang gamit ko. Nung nagdesisyon ako ng gawing business ang pagblog, alam kong kailangan ko bumili ng platform.

Base sa experience ko, ‘yung pinakamagandang domains ay yung professional tingnan at mapagkakatiwalaan. Walang shady marketing tactics. Hindi scam.

Hindi magiging successful ang Goodgle ‘pag yung domain name nila google.wordpress.com. Diba? Hindi ito professional.

So, I recommend na gumamit ka ng wordpress.org at magpurchase ng web hosting sa ibang company.

Pero bago yun, tandaan mo na merong dalawang WordPress Platforms – WordPress.com at WordPress.org. Magkaiba sila. Madaming nalilitong beginners dito (kasama na ako noon). Sa WordPress.org, yung control na sayo. Kaya mong gawin lahat at i-customize di tulad sa wordpress.com,

https://www.cravinggreatreads.com/wp-content/uploads/2020/10/image-1024x521.png

Step 4: Bumili ng Domain and Hosting Account

After mong pumili ng platform, kailangan mong bumili ng domain name at web hosting.

Domain – ito ang address mo sa internet. Ito yung way kung paano ka mahahanap ng mga tao online.

Halimbawa ng domain: google.com, facebook.com, pangalanngblogmo.com

Preferred domain name provider ko ay Namecheap. Madami na akong nabiling domain name sa kanila kasi mura lang. Yung second blog ko, 1k+ ko lang nabili na good 3 years. Sulit para sakin. Isa pa sa nagustuhan ko sa Namecheap, anytime pwede ako magtanong tungkol sa blog ko. 24/7 service ang customer support nila. Nag-ooffer din sila ng free WHOIS privacy protection for every purchase. (para di macompromise ang personal information mo)

Merong companies na based sa Philippines tulad ng Hostinger at GoDaddy. Nagpurchase ako before ng domain lang. Okay naman sila kaso nagbasa ako ng reviews, daming di approve sa service nila.

Here’s a guide on how to do it with Namecheap

Web hosting – ito yung actual na address kung saan nakaturo ang address mo. Pag-aari mo ‘to.

Bakit kailangan ng web hosting? Ang web hosting company, sinisiguro nila na mahahanap yung address mo sa internet. Dito ka pwede magstore ng files.

Kapag pipili ng web hosting servive, ito ang mga dapat tandaan:

  1. Support – pinakamalaking factor na dapat mong iconsider, tulad ng sinabi ko kanina, kailangan mo ng support kapag nagkaroon ng problema sa blog mo.
  2. Backup – kapag may nangyari di kaaya-aya, pwede mong maretrieve ang files mo
  3. Presyo – kahit mura, dapat may quality pa rin
  4. WordPress Integration
  5. Speed at Server Power

Ang web hosting provider ko ay Dreamhost. Isa ang dreamhost sa tatlong companies na nirerecommend ng WordPress.org. Features nila: 24/7 support, free SSL certificate (para safe ang website mo), unlimited number ng email address, 1-click install for WordPress.

Click this link if you want a $50 discount on shared hosting

Kailngan ko ba bumili ng domain at web hosting ng magkasama sa isang company or pwede magkahiwalay?

Pwede bumili ng domain at web hosting galing sa isang company. Ang kagandahan, di ka na magpapalit ng DNS sa settings.

Pero pwede ka rin bumili ng domain at web hosting sa magkaibang company. Kailangan mo lang i-point ang DNS sa hosting company mo sa settings.

Ako personally, magkahiwalay and domain registrar ko at web hosting. In case, na ma-hack o kaya may nangyari, magkakaroon pa rin ako ng access. At saka after five years ba, nasa business pa rin ang host provider mo? At yung domain provider?

Tips

  • Gamitin mo ang “.com” TLD as much as possible kasi mas familiar ang mga tao dito.
  • Pwede ka rin gumawa ng libreng professional email address sa domain at web hosting companies mo. Sa Dreamhost, unlimited at libre lang. Halimbawa, ang email ko [email protected] Mas okay tingnan compared sa [email protected]

Step 5: Pumili ng Theme & Design

Mga dapat i-consider:

  • Mobile responsiveness – dapat magdisplay yung blog mo ng tama sa kahit anong device. Minsan yung ibang blog, nasisira kapag viniew sa mobile. Hindi magiging maganda ang user experience.
  • Loading time optimized – dapat mabilis magload. Kapag mabagal magload ang isang website, aalis agad ang readers mo at tataas ang bounce rate.
  • Page speed
  • SEO optimized – di sapat na nagpost ka ng article, dapat nasesearch din siya sa search engine tulad ng Google, Bing, Yahoo! para makita ng mas madaming visitors.
  • Beautiful designs
  • Easy customization
  • Prompt tech support – dapat madaling ma-access yung tech staff
  • Beginner-friendly

Para sa blogs ko, Superb Themes ang pinaka the best. Kasi ayoko gumastos para lang sa themes. Nagcheck ako ng theme providers at karamihan sa kanila may bayad.

Sa Superb Themes, beginner-friendly ang themes nila, madali i-install at iset-up. Madali icustomize, mobile-friendly, at SEO optimized. Lahat ng criteris na nabanggit ko meron sila. At responive din ang customer service. The best ‘to. Seryoso.

https://www.cravinggreatreads.com/wp-content/uploads/2020/10/2020-10-26-4-1024x507.png

Step 6: Gumawa ng Blogging Pages

About – dito nakalagay kung ano ang intent mo at story. Bakit ka nagblog? Bakit ‘yun ang niche mo? Dito malalaman ng readers mo na totoong tao ka at pwede ka nila pagkatiwalaan.

Contact – dito nakalagay kung paano ka macocontact, pwedeng readers mo o kaya pag mas madami na ang traffic na blog mo, pwede mag-email ng opportunities para sayo.

Privacy Policy – Wag mong kakalimutan ito. Dito nakalagay kung paano mo hinahandle ang data ng readers.

Alam kong ayaw mo maghire ng lawyer at magbayad. Kaya merong tools gaya nito para makagawa ka ng privacy policy ng walang bayad 🙂

Affiliate Disclosure – importante rin ito. Statement ito na nag-iinform sa readers mo na affiliate marketer ka at kapag nagclick sila ng links mo, may marereceive kang comission.

Step 7: Magpublish ng Post

Magcommit ka na magsulat ng 5 posts para idevelop ang iyong brand. Ito ang #1 focus mo ngayon.

  • Para icheck ang grammar errors, pwede kang gumamit ng tools tulad ng Grammarly para iproofread.
  • Para sa titles, pwede ka gumamit ng Title Capitalization Tool. Libre langito.
  • Para sa pagschedule ng posts, pwede ka gumamit ng Coschedule. Madami na akong natry na scheduler at Coschedule ang pinaka the best sa lahat. Matutulungan ka nito na magorganize ng blog, magschedule sa social media at iba pa. Affordable at may free headline analyzer din.

Step 8: Social Media Profiles

Make sure na meron kang social media profiles para iprotect ang brand mo. Mas okay na isang platform lang sa simula kasi ang main focus mo ay yung content.

I recommend na gamitin mo ang Pinterest kasi pwede ka makakuha ng organic traffic kahit beginner.

Isang book na pwede mo basahin to create a viral content: Contagious by Jonah Berger

Aside from social media, dapat meron ka din Google Analytics and Google Search Console. (Free lang sila). Dito mo malalaman kung sinong mga tao ang bumibisita sa website mo, nasaan sila, ano ang popular content mo.

Recommended Plugin: MonsterInsights – plugin para iconnect and Google Analytics as website

Step 9: Email List

Kailangan mong gumawa ng ‘tribe’ o fans na susunod sayo. Isa ang email marketing na source of traffic. Pwede ka rin magbenta ng products sa email.

Free lang ang paggawa ng email list. Sa blog mo, dapat my subsciber form. Kapag nagcrash ang platforms mo, meron ka pa rin email list. Ang kailangan mo lang gawin ay magsulat ng posts araw-araw and magpromote ng magandang offers.

Gamit ko ang SendinBlue and ConvertKit (para sa ibang blog) para gumawa ng forms at maggrow ng email list.

Step 10: Magsimulang Kumita

Affiliate Programs

Ito na yung fun part ng blogging. Yung tipong kahit natutulog ka, kumikita ka pa rin ng pera. It will take a long time pero isa ito sa pinakagratifying na bagay na magagawa mo.

Some affiliate marketing programs:

  • Amazon Associates – isa sa pinakamalaking affiliate marketing companies sa mundo. Pwede ka makakuha ng literally kahit anong product links.
  • Commission Junction (CJ Affiliates) – go-to place para makahanap ng offers from various vendors.
  • ShareASale.com – mas madaming offers kesa sa CJ Affiliate
This image has an empty alt attribute; its file name is image-1024x485.png
  • Rakuten – largest pay-for-performance affiliate marketing network on the Internet
  • Impact Radius – supportive ang customer support, isa ito sa pinakasuccessful kong affiliate marketing accounts
  • Involve Asia – isa ito sa paborito ko kasi nandito yung Lazada and Shopee
This image has an empty alt attribute; its file name is 2020-11-05-1-1024x480.png
  • Awin – Part ng ShareASale

Bonus: Librong Pwedeng Basahin Bago Magsimulang Magblog

Secrets Trilogy by Russell Brunson (LIBRE ang mga libro, kailangan lang magbayad ng shipping fee)

  1. Dotcom Secrets – dito malalaman kung paano nagwwork and sales funnels at paano ito gamitin para maggrow ang business mo online. Para sa entrepreneurs at online marketers.
dotcom secrets bloglikeapro

2. Expert Secrets – dito malalaman kung paano gumawa ng personal brand at paano gamitin para magkaroon ng “raving fans” at loyal customers.

3. Traffic Secrets – pinaliwanag dito kung saan mo makikita ang target audience mo online at paano mo sila mapapalapit sayo.

Again, LIBRE ang Secrets Trilogy. Kailangan mo lang magbayad ng shipping fee.

4. One Page Marketing Plan by Allan Dib – pinaliwanag dito kung paano gumawa ng simpleng marketing plan at paano i-implement ng maayos. Ito ang link sa Kindle at Audible.

q? encoding=UTF8&ASIN=B01B35M3SM&Format= SL250 &ID=AsinImage&MarketPlace=US&ServiceVersion=20070822&WS=1&tag=greatreads06 20&language=en USir?t=greatreads06 20&language=en US&l=li3&o=1&a=B01B35M3SM

5. E-Myth Revisited by Michael E. Gerber – tinukoy dito and mga myth na kinakaharap kapag magsisimula ng business. Pinaliwanag din yung common na assumptions na kapag pinaniwalaan mo, pwede magpa-fail sa business mo. Ito ang link sa Kindle at Audible.

q? encoding=UTF8&ASIN=B00094F0ES&Format= SL250 &ID=AsinImage&MarketPlace=US&ServiceVersion=20070822&WS=1&tag=greatreads06 20&language=en USir?t=greatreads06 20&language=en US&l=li3&o=1&a=B00094F0ES

Thanks for reading! I hope you find this post helpful and valuable. If you did, please consider sharing this post with your friends and fellow bloggers on social networks. Below is a special pin for you to add to your Pinterest Board.

paano gumawa ng blog

Tandaan, ang primary focus mo ngayon ay hindi kumita ng madaming pera pero maggrow ng blog at paramihin ang nagbabasa nito. Pag nagawa mo na ‘to, makakakuha ka ng passive income from people na nagbabasa.

This blogging stuff/affiliate marketing ay hindi get rich quick type of business. Kailangan ng sipag, at consistency.

Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected!